Suicide attack sa border ng Turkey at Syria, dalawampu’t walong katao ang nasawi

Isang hinihinalang suicide attack ang naging dahilan sa pagkasawi ng nasa dalawampu’t walong katao sa bayan ng Suruc, malapit sa border ng Turkey at Syria.

Nangyari ang pagsabog sa isang Cultural Center Garden na tinitirhan ng ilang daang katao na nag-aayos naman sa napinsalang kalapit bayan na Kobane.

Ayon sa mga opisyal, base sa mga ebidensya ay ang isis ang nasa likod ng suicide attack.

Iniimbestigahan na ang pag-atake na sinasabing ginawa umano ng isang disi otso anyos na babae.

Speak Your Mind

*