Tim Cone, bagong head coach ng Barangay Ginebra

Kinumpirma ni San Miguel Corporation Chairman Ramon Ang na si Tim Cone na ang magiging head coach ng Barangay Ginebra.

Ani ang, makukuha ni Cone ang kanyang memo kapag dumating na ito ng bansa.

Una nang nagpahiwatig ang mismong coach ng kanyang nakaambang paglipat sa gin kings mula Purefoods Star Hotshots.

Si Assistant Coach Jason Webb naman ang magiging Head Coach na ng Hotshots.

Ang nasabing rigodon ng mga coaches ay dahil sa hindi magandang performance ng dalawang koponan sa kakatapos lamang na PBA Governors’ Cup.

Speak Your Mind

*