Angelica Panganiban at Buboy Villar, nominado sa 5th Guam IFF

Panibagong international recognition ang nakuha ng pinoy artist na sina Angelica Panganiban at Buboy Villar.

Ito’y matapos na mapabilang sina Angelica at Buboy sa 5th Guam International Film Festival.

Nominado si Angelica sa acting category mula sa kanyang pagganap bilang heartbroken woman sa pelikulang “That Thing Called Tadhana” na entry ng 2014 Cinema One.

Pasok naman sa acting category ang pagsasabuhay ni Buboy bilang young Manny Pacquiao sa biopic “Kid Kulafu,”

Nakatakda naman sa buwan ng Septembre a-bente sais ang pagpili sa mananalo sa 2015 Guam International Film Festival.

Speak Your Mind

*