Bilang ng tourist arrival sa Hundred Islands ng Alaminos City, mas mataas ngayong taon

Nalampasan na ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang bilang ng dumagsang mga turista sa buong taon ng 2014.

Ayon kay Tourism Officer Solomon Tablang, mula Enero hanggang ngayong Agosto ay aabot na sa 280,000 ang naitala nilang bilang ng mga turista na dumayo sa Hundred Islands National Park.

Sa buong taon ng 2014 ay umabot sa higit 270,000 ang tourist arrival sa Alaminos.

Ani Tablang, mas marami ang nabanggit na bilang kumpara sa 150,000 kada taon na naitala ng lungsod mula noong 2005 hanggang 2013.

Speak Your Mind

*