Abad, kasama sa mga kakasuhan kaugnay ng Pork Barrel Fund scam

Hiniling ni Atty. Bonifacio Alentajan sa Sandiganbayan na isama si Budget Sec. Florencio Abad sa hanay ng kakasuhan ng plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Sinabi ni Alentajan na dapat isama si Abad dahil siya ang pinaka-guilty sa kaso ng mga akusado sa pork barrel scam.

Idinagdag pa ni Alentajan na hindi maibibigay ni Janet Lim-Napoles ang komisyon ng mga mambabatas mula sa kanilang PDAF kung hindi nagpalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) ang DBM sa bawat proyekto.

Ang mosyong ito ni Alentajan ay nakatakdang dinggin ng Sandiganbayan sa ika-27 ng Agosto.

Si Alentajan ay abogado ni Senador Juan Ponce Enrile, isa sa tatlong senador na kinasuhan ng plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Speak Your Mind

*