Desisyon hinggil sa disqualification case laban kay Senador Poe, pinamamadali

Inihihirit ni Senador Vicente “Tito” Sotto sa Senate Electoral Tribunal (SET) na makapaglabas ito ng desisyon kaugnay sa disqualification case laban kay Senador Grace Poe sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Sotto, hihilingin niya sa SET na maglabas ito ng desisyon sa isyu ng citizenship ni Poe bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre.

Pinamamadali naman na ni Poe sa SET ang pagsasagawa ng mga pagdinig kaugnay sa naturang kaso laban sa kanya.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inihain ng 2013 senatoriable na si Rizalito David ang kanyang petisyon sa SET na kumukwestyon sa citizenship at residency ni Poe.

Speak Your Mind

*