Gilas Pilipinas, wagi kontra Chinese Taipei sa 37th William Jones Cup

Pinahiya ng Gilas Pilipinas ang host country na Chinese Taipei sa iskor na 77-69 sa umpisa ng kampanya nito para sa 37th william jones cup na ginanap sa Taiwan.

Una pa lang ay naungusan na ng Pilipinas ang Taiwan pero mabilis na nakabawi ang Taiwan sa pagpasok ng final quarter.

Gayunpaman, tiniyak ng Gilas Pilipinas ang pagkapanalo ng koponan sa pangunguna nina Terrence Romeo at Jayson Castro.

Speak Your Mind

*