Invent School Program, pinapaigting ng DOST Pangasinan

Tinuturuan ng Department of Science and Technology (DOST) Pangasinan ang mga High School Students para mahasa ang kanilang kakahayan na maka-imbento ng iba’t ibang kapaki-pakinabang na bagay.

Ayon kay Alexa Apostol ng DOST Provincial Office ito ay sa pamamagitan ng Invent School Program.

Tatlong araw na ginanap ang nabanggit na programa sa isang paaralan sa bayan ng Aguilar.

Ilan sa mga tinalakay ng Technology Promotion Application Institute ng DOST ay ang hinggil sa Industrial Applications, Intellectual Property Rights and Protection, at ang pag-iimbento.

Ang Invent School Program ay isa ring paraan para sa promosyon at pagtulong sa mga asosasyon o grupo ng mga kabataang imbentor na mapaigting ang kanilang aktibidades sa paaralan.

Kasabay rin nito ay ang paghikayat ng DOST sa mga estuydante na kumuha ng kurso na may kaugnayan sa science at magiging sandata nila ito para maging inventors, engineer at scientist.

Speak Your Mind

*