Kahalagahan ng pagdiriwang ng “Buwan ng Wika”, iginiit ng Deped Region 1

Binigyang diin ng Department of Education (Deped) Region One na mahalaga ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto ng kada taon.

Ayon kay Deped Regional Information Officer Darius Nieto, ito ay bilang pagsunod sa pampanguluhang proklamasyon bilang 1041, serye ng 1997.

Layon ng pagdiriwang ng wikang pambansa na mahikayat ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribado na makiisa sa mga programang nakasaad sa proklamasyon.

Kabilang na rito ang pagpapataas ng kamalayan sa paggamit ng sariling wika at maipakita ang kahalagahan ng wika para sa pambansang kaunlaran.

Speak Your Mind

*