Libo-libong manggagawa sa rehiyon uno, makikinabang sa umento sa sahod

Aabot sa 118,847 na trabahador at empleyado na nagta-trabaho sa 45,542 micro establishments ang makikinabang sa pagtaas ng sahod sa rehiyon uno.

Kabuuang 14 pesos ang umento sa sahod ng mga nasa below poverty threshold, at dalawang beses itong ibibigay.

Ang unang seven pesos ay ibibigay kapag epektibo na ang Regional Tripartite Wages And Productivity Board-1 (RTWPB-1) Wage Order Number RB1-17 sa July 19, 2015 at ang karagdagang seven pesos ay sa December 1, 2015.

Ikinunsidera ng mga kasapi ng RTWPB-1 ang nabanggit na dagdag sahod kaugnay na rin ng kasalukuyang socio-economic condition at ang kalakaran ng iba’t ibang negosyo sa rehiyon uno.

Samantala, bago napagdesisyunan ang umento sa sahod ng mga nasa below poverty threshold partikular ang mga nagta-trabaho sa non-agriculture o micro o agriculture o non-plantation ay isinagawa ang ilang public hearings sa iba’t ibang lugar sa rehiyon at kinuha ang opinyon ng mga manggagawa at management sectors hinggil sa nasabing isyu.

Speak Your Mind

*