LTO-Urdaneta, mas mabilis nang nakapag-poproseso ng bagong lisensya

Mas mabilis na ngayon ang pag-proseso ng Land Transportation Office (LTO) ng bagong driver’s license.

Ito’y dahil ang LTO-Urdaneta City ang kauna-unahang field office ng ahensya sa Pangasinan na may bagong pasilidad sa pag-proseso ng lisensya.

Ayon kay Danny Martinez, ang Hepe ng LTO-Urdaneta City sa bagong disenyo ay buo na ang nakalagay kung professional o non-professional driver’s license, at color coded pa.

Mas malaki ngayon ang pirma ng may-ari ng lisensya kumpara sa dati.

Sa pamamagitan ng bagong makina na ginagamit nila sa paggawa ng lisensya ay halos 25 porsyento ang nabawas sa oras na pag-proseso nito at noong biyernes na sila nag-roll-out.

Tiniyak ng LTO na hindi tataas ang bayad sa pagkuha ng bagong driver’s license kahit pa iniba ang disenyo nito.

Speak Your Mind

*