Mayor Rodrigo Duterte, tiyak na tatakbo sa pagka-Pangulo sa 2016

Tiyak na tatakbo sa pagka-Pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 elections.

Ito ang paniniwala ng isang Dean mula sa Ateneo de Manila na si Dr. Antonio La Viña, sa kabila ng patuloy na pagtanggi ng alkalde na tumakbo sa darating na pampanguluhang eleksyon.

Ani La Viña, makikita sa ‘body language’ ni Duterte na nais din nitong tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Aniya, ito rin ang senyales na ipinararating ng patuloy niyang pag-iikot sa buong bansa para ikampanya ang federalismo.

Tiwala naman si La Viña na hindi maka-aapekto sa mga taong naniniwala at sumuporta kay Mayor Duterte ang hindi pa rin nito pagdedeklara ng kanyang kandidatura para sa 2016 elections.

Speak Your Mind

*