Mobile e-passport sa Alaminos City, target mabenepisyuhan ang 800 aplikante

Walong-daang aplikante ang inaasahang maseserbisyuhan ng mobile e-passport sa lungsod ng Alaminos na nagsimula nitong hulyo a-bente nuebe at magtatapos hanggang agosto a dise-nuebe.

Ang aktibidad ay isinasakatuparan sa pagtutulungan ng Department of Foreign Affiars (DFA) at lokal na pamahalaan ng Alaminos.

Ayon kay Alaminos City Mayor Arthur Celeste, sa pagpila ng aplikasyon ay magbabayad ang mga aplikante.

Samantala, Babalikatin naman ng Alaminos LGU ang pasahe o sasakyan na gagamitin ng mga aplikante papuntang DFA-La Union para sa personal nilang appearance at para makuhanan ng larawan.

Ito ay isasagawa mula Setyembre a singko hanggang a-dose.

Ipapadala naman ng DFA ang pasaporte sa mga aplikante kapag tapos na ang lahat ng proseso.

Malaking tulong ang mobile e-passport sa mga Aleminians dahil makakatipid na sila sa oras ng pagbiyahe, pati na rin sa gastusin sa pasahe.

Speak Your Mind

*