Pagbabawal sa pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo, hindi tinutulan

Hindi tutol ang Motorcycle Philippines Federation (MCPF) sa pagbabawal sa pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo.

Batay sa Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015 na nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino noong Hulyo 21, bawal nang magsakay ng bata sa mga motorcycle sa mga pampublikong kalsada.

Ayon kay MCPF Director Arturo Sta. Cruz, sinang-ayunan nila ang naturang panukala dahil nakatuon ito sa mga national road kung saan may mga naitalang aksidenteng kabilang ang mga bata.

Dagdag pa nito, dapat din aniyang nakasafety gear ang bata, particular na ang pagsuosuot ng helmet alinsunod na rin sa ra 10054 o “Motorcycle Helmet Act of 2009.”

Nakasaad din sa naturang batas na maaaring isakay ang bata sa motorsiklo kung abot ng mga paa nito ang foot peg ng motor, at kung kaya nitong yumakap sa baywang ng nagmamaneho.

Speak Your Mind

*