Pagkakaroon ng lump sum sa 2016 national budget, tinutulan ng minorya sa Kamara

Mariing tinututulan ng minorya sa Kamara ang pagkakaroon ng lump sum sa 2016 proposed national budget.

Giit ni Gabriela Representative Luzviminda Ilagan, kahit pa ipinagbabawal na ng Korte Suprema ay siningitan pa rin ng administrasyon ng lump sum ang panukalang budget para sa susunod na taon.

Aniya, maiging sa deliberasyon pa lang ng budget ay malaman na agad kung saan napupunta ang mga pondo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Speak Your Mind

*