Pinagbubuntis ni Mariel Rodriguez, possible umanong triplets

Posible umanong maging triplets ang ipinagbubuntis ni Mariel Rodriguez asawa ng action star na si Robin Padilla.

Batay sa ibinahaging picture ng ultrasound ni Mariel sa instagram post ni Binoy, sinabi nitong ayon sa kanyang doktora, puwede raw maging triplets ang kanilang anak.

Dagdag pa nito na ang isa ay may heartbeat na, ang isa rin ay nasa tinatawag na SAC at ang isa ay nabubuong fetal pole.

Binigyan naman ng pangalan ni Robin ang kanilang mga magiging anak na sina Maria, Juan at Gabriealla de Padilla.

Speak Your Mind

*