Population Development, pinaigting ng POPCOM sa mga paaralan

Pinaiigting ngayon ng Commission on Population (POPCOM) katuwang ang Department of Education (DepED) ng Population Development.

Sinabi ni Maria Cristina Martinez, ang Information Officer 1 ng Commission on Population (POPCOM) Regional Office 1 na itinuturo sa mga mag-aaral ang hinggil sa konsepto ng Population and Development, Sexuality and Reproductive Health.

Ang mga nabanggit na paksa ay nakalagay sa modules ng mga mag-aaral.

May nailathalang mga libro para maging gabay ng mga guro sa pagtuturo ng mga nabanggit na paksa, at ito ay depende kung anong grado ang tinuturuan.

Giit din nito na may angkop na termino at konsepto na ginagamit gaya sa talakayang Sex Education, at ito ay depende sa grade ng mag-aaral.

Speak Your Mind

*