Produksyon ng asukal, inaasahang bumaba dahil sa apekto ng El Niño

Inaasahang bababa ang produksyon ng asukal sa bansa dahil sa posibleng pagtama ng El Niño phenomenon ngayong taon hanggang sa susunod na taon.

Dahil dito, sinabi ni Sugar Regulatory Administration o SRA, na possible ring maapektuhan ang mga magsasaka ng tubo.

batay sa pagtaya ng SRA, nasa 2.3 metriko tonelada lamang ang inaasahang mapo-prodyus na asukal ng mga magsasaka na lubhang mababa sa target na 2.46 milyong metriko tonelada sa taong 2014 hanggang 2015.

Magsisimula ang cropping season o pagtatanim ng tubo ngayong Setyembre hanggang sa Agosto ng susunod na taon.

Speak Your Mind

*