Publiko, na pinaag-iingat sa pagbili ng mga pekeng gamot

Pinayuhan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga pekeng muscle relaxant drug.

Ayon pa sa FDA, nagpalabas na ang World Health Organization (WHO) ng medical product alert kaugnay ng adverse reaction na sanhi ng mga pekeng diazepam tablet.

Pinaalalahanan pa nito ang mga health professional na maging vigilante sa posibleng presensya at panganib na dulot ng mga pekeng gamot.

Naapektuhan umano ng naturang pekeng gamot ang muscle sa mukha, leeg, at dila ng mga pasyente.

Binalaan rin nito ang mga drug companies laban sa pagbebenta ng mga pekeng diazepam.

Speak Your Mind

*