PWDS sa Pangasinan, tumanggap ng prosthesis devices mula sa PCSO

Tumanggap ang mga Persons with Disability ng prosthesis devices mula sa Philippine Charity Sweeptakes Officer (PCSO) sa pakikipagtulungan ng probinsya ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ayon kay PSWD Officer Emilio Samson, bago ang pamimigay ay nagsagawa pa ng ebalwasyon sa mga benepisaryo ang PBF prosthetics and brace center, isang Non-Government Organization (NGO) ng tahanang walang hagdanan na gumagawa ng artificial devices.

Anim ang nabigyan ng mga artificial devices, na ipinapalit sa nawalang bahagi ng katawan bunga ng trauma, sakit o congenital na kondisyon.

Kasabay din ng awarding ang pagsasa-ilalim sa assessment ng ilan pang pwds sa iba’t ibang lugar sa pangasinan para makakuha rin ng prosthesis.

Ang pamimigay ng 175,000 na halaga ng prosthesis at whell chair ay bahagi ng pangako ng kasalukuyang administrasyon sa probinsya para sa promosyon at protection, at parehong pagpapahalaga sa kalayaan para sa mga PWDS sa Pangasinan.

Sinabi ni Samson na ipinapatupad ang iba’t ibang programa para sa mga pwds sa lalawigan para palakasin ang kanilang tiwala sa sarili at kapabilidad, bilang kaagapay sa kabuuang pag-unlad ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*