Quo warranto complaint laban kay Sen. Poe, pormal ng naihain

aisampa na sa Senate Electoral Tribunal ang petisyong kumukwestiyon sa legalidad ng pagiging mambabatas ni Sen. Grace Poe.

Ang naturang complaint ay inihain ng 2013 senatorial candidate na si Rizalito David at nakapagbayad na rin ng P50,000 filing fee.

Layon ng 16-pahinang quo warranto complaint ni David na patalsikin si Poe dahil sa kwestyon sa citizenship nito.

Iginiit ng reklamo na palsipikado ang mga dokumento ng Senadora at hindi rin totoo ang mga nakalagay sa Certificate of Candidacy (CoC) nito nang tumakbo sa 2013 elections.

Dagdag pa ni David, may problema sa pagiging foundling ni Poe, na dapat sana ay nalinaw bago tumakbo bilang senador.

Inihayag naman ni David na tinulungan siya ng mga kaibigan para makapagbayad ng naturang filing fee.

Speak Your Mind

*