Sampung kalabaw, ibinigay sa isang grupo ng magsasaka sa San Carlos City

Sampung kalabaw ang ibibigay ng Pangasinan Provincial Government sa isang grupo ng magsasaka sa lungsod ng San Carlos para magamit sa kanilang livelihood program.

Sa pamamagitan ng nabanggit na tulong ng administrasyon ni Gov. Amado Espino Jr. Sa Palaming Farmers and Farm Worker’s Association (PFFWA) ay sasabak ang grupo sa carabao-based dairy enterprise.

Ang nabanggit na mga kalabaw ay ibibigay sa grupo sa pamamagitan ng Buy Back Scheme for Female Breedable Carabao na ipinapatupad ng Provincial Veterinary Office.

Kaugnay nito, noong nagsagawa ng courtesy call ang PFFWA kay Gov. Espino ay hiniling ng huli ang suporta ng grupo para sa proteksyon at pangangalaga ng babaeng kalabaw sa probinsya.

Magugunitang, nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng Provincial Ordinance Number 170-2013 o batas na nag-re-regulate ng pagbebenta o pangangatay ng babaeng kalabaw sa pangasinan, kaya binuo ang buy back scheme para sa female breedable carabao at paglalaan din ng pundo.

Ang lalawigan ng Pangasinan ang kauna-unahang lokal na pamahalaan sa bansa na magpasa ng nabanggit na batas.

Speak Your Mind

*