Scholarship Program ng DOST, maraming nakuha sa Pangasinan

Huling araw na kahapon sa pagsusumite ng aplikasyon para sa Scholarship Program ng Philippine Science High School (PSHS).

Ito ang kinumpirma ni Alexa Apostol ng Department of Science and Technology (DOST) Pangasinan at aniya, maraming nag-aplay sa lalawigan.

Ang mga aplikante para sa nabanggit na scholarship ay mga grade six pupils o yung mga mag-gi-grade seven sa susunod na taon.

Nilinaw ni Apostol na ang mga aplikante para sa scholarship na mula sa pribadong paaralan ay siningil nila ng application fee na isang daang piso at habang wala namang siningil sa mga mula sa pampublikong paaralan.

Bukod pa ito sa mga ipinapasumiteng dokumento gaya ng application form at report card.

Dzrd981 news desk

Speak Your Mind

*