Scholarship Program ng Pangasinan Provincial Government, pinapaigting

Tinututukan ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagpapaigting sa Scholarship Program.

Sa ilalim ng Panukalang Ordinance number 29, series of 2015 na ini-akda ni Board Member Danilo Uy ng ika-limang Distrito ng Pangasinan ay isa umano itong paraan upang hindi matigil sa pag-aaral sa kolehiyo ang mga kabataan.

Nahahati sa dalawang kategorya ang scholarship ng probinsya, Ito ay ang academic at ang regular.

Sa ilalim ng Regular Scholarship ay makaka-enrol ang estudyante sa Pangasinan State University (PSU) samantalang ang mga Academic Scholars ay makakapili ang estudyante ng paaralan na kanyang mapapasukan.

Kabilang sa mga kuwalipikasyon ay 85 percent pataas ang grado ng estudyante sa high school at hindi naman tataas sa 120,000 pesos ang income ng pamilya sa kada taon.

Comments

  1. Hanggang ngayon at Hindi naibibigay ng pamahalaan ng pangasinan state universiry ang pundo ng mga scholar ng bayan. Ayon sa office of the representative hon. Leopoldo N. Bataoil ay ready to claim na any pundo na nagkakahalaga ng 1500 na Sana at pangpaenroll ng mga scholar na walang pampaenroll. Sana at matulongan niyo kami

Speak Your Mind

*