Showbiz friends ni Mariel Rodriguez, tiwalang malalampasan nito pinagdadaanang pagsubok

After her second miscarriage, nagpahayag ng suporta ang ilang showbiz friends ng TV host na si Mariel Rodriguez at hiniling na bumalik na ito sa showbiz.

Say ni Danica Sotto na kasama ni Mariel sa isang show, sana ay magbalik-trabaho na ang tv host.

Though nalulungkot ang mga kasamahan ni Mariel sa showbiz ay tiwala naman ang mga itong malalampasan ni Mariel at ng asawa nitong si Robin Padilla ang nangyari.

Ayon naman kay Gelli de Belen, walang salita na makakapagpagaan sa nararamdaman ni Mariel ngayon.

Pero tiwala siyang may mas magandang plano ang panginoon para sa TV host/actress.

Speak Your Mind

*