South Korea, nangakong regular nang makikipag-dayalogo sa North Korea

Nangako ang South Korea na sisikapin nitong maging regular na ang dayologo sa pagitan nila ng North Korea.

Kasunod ito ng Landmark deal na napagkasunduan ng dalawang bansa para pahupain na ang tension sa Korean Peninsula sa gitna ng nakaambang military clash.

Ayon sa South Korean Unification Ministry, simula ito ng panibagong yugto sa relasyon ng Seoul at Pyongyang.

Sa loob ng tatlong araw na pag-uusap, nagkasundo ang magkabilang panig na itigil ng south korea ang Anti-North Korean Propaganda Broadcast sa demilitarized border.

Kapalit nito ay ang paghingi ng Pyongyang ng tawad at pagbigay ng pangakong hindi na magsasagawa ng mga probokasyon.

Speak Your Mind

*