Tatlong magkakasunod na lindol ang naitala sa Surigao Del Sur

Tatlong magkakasunod na lindol ang naitala sa Surigao Del Sur kaninang umaga ganap na alas kwatro sais ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute Of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS), naitala ang unang pagyanig na may lakas na magnitude 4.1.

Habang nasa magnitude 4.0 naman ang pangalawang paggalaw ng lupa at magnitude 4.1 muli ang naitala ng PHILVOCS ganap na alas 5:06 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay naitala 66 kilometro hilagang silangan ng Tandag, bayan ng Surigao Del Sur.

Wala namang naitalang pinsala o nasaktang sa nangyaring pagyanig.

Speak Your Mind

*