United States Navy Servicemen, pinasalamatan ng Pangasinan Government

Nagpasalamat si Gov. Amado Espino Jr. sa United States Navy Servicemen na nasa Pangasinan para sa Pacific Partnership 2015.

Kinikilala ni Espino na magandang pagkakataon ang pagpunta ng grupo sa lalawigan para matuto ang mga medical team ng Pangasinan hinggil sa mga pamamaraan sa disaster response at ang mga kinakailangang gawin sa iba’t ibang uri ng sakit na lalong lumalala tuwing kalamidad.

Sinabi naman ni Provincial Health Officer Anna De Guzman na ituturo rin ng US Navy Servicemen and Emergency Protocols sa ilang hospitals sa lalawigan partikular sa Pangasinan Provincial Hospital at Region One Medical Center.

Ani de Guzman, may sariling guidelines ang Pilipinas ngunit mainam din aniyang malaman ang International Standards para maikumpara nila ito at malaman ang kanilang kakayahan.

Dagdag nito na hangad ng Pilipinas na maging Medical Tourism Destination.

Ang US Navy Servicemen ay binubuo ng pitumpung miyembro. Ang mga ito ay magsasagawa ng surgical mission, hospital engagement, disaster and risk reduction management, veterinary mission, public health at environmental sanitation visits sa pangasinan mula August 10 hanggang 12.

Speak Your Mind

*