Big-time oil price hike, ipinatupad ng mga kumpaniya ng langis ngayong araw

Matapos ang ilang beses na roll back ay nagpatupad naman ngayon ng big-time na pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompaniya ng langis.

Epektibo simula ngayong alas sais ng umaga, ay magtataas ng presyo ng gasolina at diesel ang Eastern Petroleum Corporation.

Sa abiso ng Eastern Petroleum, tataas ng 1.70-piso kada litro ang presyo ng gasolina habang 1.90-piso naman kada litro sa diesel.

May dagdag singil din ang petron ngayong alas sais ng umaga sa kanilang gasolina, diesel at kerosene.

Nasa 1.75 piso kada litro ang itataas ng presyo sa gasolina, 1.95 piso kada litro sa diesel, at 1.85 piso kada litro sa kerosene.

Nagtaas din ang Sea Oil Petroleum ng 1.75 piso kada litro sa gasolina, 1.95 piso kada litro sa diesel, at 1.85 piso kada litro sa kerosene alas dose uno kaninang madaling araw.

Speak Your Mind

*