CHR, dumipensa sa planong pagpapatayo ng martial law museum

Naaayon sa saligang batas ang pagtatayo ng martial law museum maging ang pondong inilalaan dito.

Ito ang depensa ni Commission on Human Rights chairman Chito Gascon matapos umapela ang ilang grupo sa pamahalaan para ipatigil ang nasabing plano.

Ipinaliwanag ni Gascon na matagal na ang naturang plano ng pamahalaan at mandato ng kanilang komisyon ang pagpapatupad nito.

Nabatid na nagsampa ng kasong kriminal ang Marcos loyalist na si Atty. Oliver Lozano laban kay Gascon dahil sa umano’y pagsusulong ng martial law museum na nagkakahalaga ng 500 milyong piso.

Kaugnay nito, ipinunto ni Gascon na kung hindi nila gagawin ang kanilang mandato ay baka sila naman ang makasuhan ng dereliction of duty o pagpapabaya sa trabaho.

Nilinaw rin ni Gascon na ang pagpapatayo ng martial law museum ay para mai-paalala sa mga kabataan ng bagong henerasyon ang sakit o hirap na dinanas ng mga biktima at maituro sa mga ito ang kahalagahan ng demokrasya sa bansa.

Speak Your Mind

*