Daniel at Erich, pinag-uusapan na daw ang pagpapakasal

Hindi na ikinagulat ang naging pag-amin ng Brazilian­model turned actor na si Daniel Matsunaga na pinag-uusapan na nila ni Erich Gonzales ang tungkol sa pagpapa-kasal.

Ito’y matapos lumabas ang pinaka-bagong post ni Daniel na mga larawan nila ni Erich sa instagram account na may katagang Mr. & Mrs.

Ngunit sinabi ng actor na hanggang sa pag-uusap palang sila tungkol sa kasal, dahil gusto raw muna nilang abutin ang kanilang pangarap sa showbiz.

Pero wala raw ibang nakikitang babae si Daniel na gusto niyang pakasalan kundi si Erich dahil masaya sila sa piling ng isa’t isa.

Speak Your Mind

*