FVR, suportado si Mayor Rodrigo Duterte para sa 2016 presidential election

Napupusuan ni dating presidente fidel ramos si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tatakbo sa pagka-presidente.

Ayon kay Ramos, noong nakaraang taon ay siya ang nag-endorso kay Mayor Duterte na kanyang mamanukin para sa 2016 presidential election.

Paliwanag ng dating pangulo na taga-Pangasinan na kinakailangan ng Pilipinas ang bagong lider.

Isa sa naging basehan din nito sa pagpili kay Duterte ay pareho raw silang pabor sa Parliamentary Form of Government.

Samantala, nagpa-biometric na rin si Ramos sa kanyang hometown sa Asingan para makaboto sa 2016 election.

Speak Your Mind

*