DOST Pangasinan, nag-aalok ng tulong financial sa mga maliliit na negosyante

Nag-aalok ang Department of Science and Technology (DOST) ng tulong pinansyal sa mga kabilang sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES).

Ito ay sa pamamagitan ng Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP) ng DOST.

Sinabi ni Provincial Director Felicidad Gan na ang nabanggit na programa ay tumututok sa pagbibigay ng tulong sa iba’t ibang sector gaya ng food processing, furniture, marine and aquatic resources, horticulture at agriculture, metals, engineering, health products and service, electronics, information and communication technology at iba pa.

Bukod sa pinansyal na tulong ay nagbibigay rin ng suportang teknikal ang dost gaya ng pagtuturo sa paggawa ng produkto, packaging hanggang sa pagbebenta sa merkado.

Hangad ng DOST na maging produktibo at makapantay ang produkto ng msmes sa lalawigan sa iba pang mga produktong mabibili sa merkado.

Payo ni Gan sa mga nagnanais na maging bahagi ng set-up na dumulog ang mga ito sa pinakamalapit ng DOST Field Office sa kanilang lugar.

Speak Your Mind

*