Dust storm na puminsala sa Syria kumalat pa sa apat na bansa

Kumalat na sa apat na iba pang bansa ang isang malaking dust storm na puminsala noong Lunes sa Syria.

Apektado na ng naturang dust storm ang ilang bahagi ng Lebanon, Israel, Turkey, at Cyprus kung saan dose-dosena na ang isinugod sa ospital.

Dalawa naman ang patay sa pananalasa nito sa Lebanon.

Hinikayat naman ng mga otoridad ang mga residente na manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay.

Inaasahang magtatagal pa ito hanggang sa huling araw ngayong linggo.

Speak Your Mind

*