Duterte, nanawagan na huwag nang ituloy ang “Million People March”

Umapela si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga taga-suporta nito na huwag nang ituloy ang malawakang pagtitipon sa darating na Sabado, Setyembre 22 sa Luneta para isulong ang kanyang kandidatura.

Ito’y matapos muling tanggihan ni Duterte ang pagtakbo sa pagka-presidente sa 2016 elections.

Kabilang sa mga idinahilan ni Duterte sa kanyang pag-ayaw ay ang kawalan ng sapat na pera para sa kanyang pangangampanya, ayaw ng kanyang pamilya at mahina na ang kanyang pangangatawan.

Bukod dito, iginiit ni Duterte na malala na ang kabuuang kalagayan ng bansa at walang sinumang presidente ang makakalutas nito.

Samantala, nagbanta naman ang alkalde na idemanda ang Commission on Elections sakaling tanggapin nito ang people’s nomination na isinusulong ngayon ng mga taga-suporta nito.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Duterte na siya pa rin ang tatakbo bilang alkalde ng Davao City sakaling ayaw tumakbo ng anak nito na si Inday Sara.

Speak Your Mind

*