Gilas Pilipinas, wagi kontra Japan sa 37th William Jones Cup

Pinayuko ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Japan kahapon sa nagpapatuloy na 37th William Jones Cup sa iskor na 75-60.

Naging dikitan ang laban ng dalawang koponan at nakalayo lamang ng husto ang Pilipinas sa huling quarter ng laro sa tulong ng sunod-sunod na three points nina Gabe Norwood, Terrence Romeo, Gary David, at Jason Castro.

Nag-ambag din ang Fil-Tongan na si Moala Tautuaa ng walong puntos sa kanyang last quarter dunks.

Nanguna muli sa opensa si Romeo na may 16 points, habang may tig-10 points sina Tautuaa at de Ocampo.

Dahil dito, may 3-1 win loss record na ang Pilipinas habang apat na talo naman na ang nalalasap ng Japan.

Ngayong araw ay nakatakdang makaharap ng Gilas ang powerhouse na Iran na wala pang talo sa nasabing torneyo.

Speak Your Mind

*