Iskolar Ako ng Bayan Project, isinusulong sa bayan ng Lingayen

Isinusulong ngayon sa bayan ng Lingayen, Pangasinan ang isang panukalang batas para sa isang Scholarship Program o ang Iskolar Ako ng Bayan Project.

Ayon kay Councilor Jaymark Crisostomo, ang may akda ng Proposed Ordinance 52-2015 kalakip na rito ang paglalaan na pundo para sa nabanggit na programa.

Sinabi nito na layon ng panukala nitong batas na mabigyan ng pagkakataon ang mahihirap ngunit nararapat na mga estudyante na makapag-patuloy ng pag-aaral sa kolehiyo o pagkuha ng technical at vocational courses.

Nakasaad rin sa panukalang batas na bukod sa pagbibigay academic fees tulad ng tuition, laboratory at matrikula ay bibigyan rin ang mga mapipiling scholars ng transportation allowance na 500 pesos kada buwan.

Gayundin, isang milyong peso ang kinakailangang ilaan kada taon sa municipal budget umpisa sa susunod na taon para sa Lingayen Scholarship Program.

Speak Your Mind

*