Karatig lalawigan, nasusuplayan din ng dugo ng Red Cross Pangasinan

Matinding hamon ang kinakaharap ngayon Philippine Red Cross (PRC)-Pangasinan sa pangungulekta ng dugo.

Ito ay dahil hindi lamang mga Pangasinense ang kanilang binibigyan ng dugo kundi pati na rin mga taga-ibang probinsya gaya ng sa Nueva Ecija at La Union.

Binigyan diin naman ni Raymund Lim, ang Blood Donor Recruitment Officer ng PRC-Pangasinan Chapter na ang pagkuha ng dugo sa kanila, kahit pa man walang donor kung mayroong dugo sa kanilang opisina ay ibibigay nila ito.

Ayon kay Lim batid ng Red Cross ang hirap na pinagdaraanan ng mga nangangailangan ng dugo kapag naghanap ang mga ito ng blood donor kaya sa ngayon ay nasa proseso na sila ng pag-alis sa tinatawag na blood replacement.

—-

Pinaigting na kampanya ang ipinapatupad ngayon ng Philippine Red Cross (PRC)-Pangasinan para hikayatin ang mamamayan na mag-donate ng kanilang dugo.

Sinabi sa sonshine radio ni Raymund Lim, ang Blood Donor Recruitment Officer ng PRC-Pangasinan Chapter na sa ngayon ay maraming nangangailangan ng dugo tulad ng dengue patients at mga naoperahan.

Giit nito na parang walang katapusan ang pangangailangan ng ating mga kababayan kaya kinakailangan ring ipagpatuloy ng PRC ang kanilang panawagan para makakolekta ng sapat na suplay.

Sa ngayon ay patuloy rin na hinihimok ng PRC ang mga munisipyo at siyudad na bumuo ng local blood council para sa nabanggit na adhikain.

Speak Your Mind

*