Kaso ng Leptospirosis, mahigpit na binabantayan sa Pangasinan

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH) ang kaso ng leptospirosis.

Ayon kay Dr. Karlo Orduna, ang Chief of clinics ng PPH sa San Carlos City sa buwan ng Agosto ay isa ang positibo sa leptospirosis habang lima ang suspected cases na na-admit sa ospital.

Base sa tala ng PPH, noong 2014 ay apat ang namatay sa 58 kaso ng leptospirosis.

Inaasahan na maari pang madagdagan ang kaso ng leptopirosis sa mga susunod na buwan dahil sa pagbaha.

Pinapayuhan naman ng Health expert ang mamamayan lalo na ang mga may sugat sa paa na magsuot ng protective gears kung hindi makakaiwas na lumusong sa tubig baha.

Sinabi ni Orduna na hindi lamang sa ihi ng daga nakukuha ang sakit na leptospirosis kundi sa iba pang mga hayop gaya ng baka at baboy.

Speak Your Mind

*