Kris Aquino, tuluyan ng iiwan ang kanyang programang A&A

Kumpirmadong hindi na makakapagpatuloy ang trabaho ni Kris Aquino sa programa nila ni Boy Abunda na Aquino at Abunda Tonight dahil sa kondisyon ng kanyang kalusugan.

Nabatid na pinayagan si Kris ng management ng dos na iwan ang nasabing programa dahil katanggap-tangap naman ang rason nito.

Nabatid na pabalik-balik ang allergies at sakit ng Queen of All Media kaya madalas maospital habang sino-shoot niya ang pelikulang Etiquette for Mistresses kasama sina Claudine Barreto, Iza Calzado, Cheena Crab at Kim Chiu.

Dahil dito, kailangan daw sundin ni Kris ang payo ng mga kapatid at doktor niya para lubusan siyang gumaling.

Dahil sa pamamahinga sa A&A, ang KrisTV na lang ang kanyang magiging show na balitang hahabaan ng oras.

Speak Your Mind

*