Mahigit 300 bata sa Pangasinan, nabigyan ng maagang pamasko sa ika-10 anniversary ng dzrd sonshineradio

Mahigit 300 na mga bata mula sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan ang nabigyan ng maagang pamasko sa selebrasyon ng ika-sampung anibersaryo ng dzrd sonshine radio noong sabado.

Ang mga bata na mula sa lungsod ng Dagupan, mga bayan ng Bugallon, Mangaldan, San Fabian, Calasiao at Binmaley ay nakaramdam ng lubos na kasiyahan.

Ipinakita ng mga ito ang kanilang talento lalo na sa pagsayaw at pagkanta, habang ang lahat ng mga sumali ay may natanggap na papremyo.

Mas naging maligaya rin ang mga bata nang mag-magic ang mga clowns ng Jessie’s Ballons.

Kung may kasiyahan sa mga bata ay sumaya rin ang kanilang mga guardians dahil nagbigay rin ng regalo sa kanila ang Prestige International

Nagpapasalamat naman ang management ng sonshine radio sa pangunguna ng President at CEO ng Sonshine Media Network International na si Pastor Apollo Quiboloy sa lahat ng sumuporta at nagbigay ng tulong sa ikatatagumpay ng nasabing aktibidad.

Speak Your Mind

*