Mungkahi na maging Traffic Czar, posibeng tanggihan lang ni Mayor Duterte

Posibleng tanggihan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mungkahi na maging traffic CZAR ito.

Ito ang mariing tugon ng kampo ni Duterte matapos lumutang ang mungkahi ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo kay pangulong noynoy aquino na italagang Traffic Czar ang alkalde.

Pero ayon kay Peter Lavinia, tagapagsalita ni Duterte, di malayong ayawan ni Duterte ang mungkahi na maging Traffic Czar ito dahil sa tambak pa nitong trabaho bilang alkalde ng Davao City.

Giit pa ni Lavinia, wala namang masama sa mungkahi para kay Duterte.

Pero aniya, dapat na malaman ng pamahalaan na ang disiplina ng publiko ang pinakamahalagang tutukan para maresolba ang problema sa matinding daloy ng trapiko.

Speak Your Mind

*