Pangasinan Police Internal Affairs Services Office, pinasinayaan sa Lingayen

Pinasinayaan ang Police Internal Affairs Services (PIAS) Office na matatagpuan sa Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) compounda sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay PIAS Regional Director Police Senior Superintendent Vicente Sales Ramoran Jr. ang nasabing opisina ay makakatulong na maging independent ang PNP, walang kinikilingan at magiging epektibo sa pagbibigay gabay sa mga kapulisan.

Matatandaan na ang Internal Affairs Service ng PNP ay ginawa alinsunod sa Republic Act 8551 o PNP Reform and Re-Organization Act of 1998.

Mandato nito na magdisiplina sa mga pulis upang mapahusay ang kanilang serbisyo at pagpapatupad ng hustisya.

Kaugnay nito ay umaasa naman si Gov. Amado Espino Jr., ang nagsilbing pangunahing bisitang pandangal sa okasyon na huwag sumawsaw sa politika ang mga kapulisan sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Giit nitong dapat ding iba ang uniporme at pundo ng PIAS upang epektibong maipatupad ang kanilang tungkulin.

Speak Your Mind

*