PHO, pinag-iingat ang publiko sa nauusong sakit ngayon na sore eyes

Pinag-iingat ngayon ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ang publiko sa nauusong sakit na sore eyes.

Ayon kay Dr. Anna de Guzman, ang Provincial Health Officer, pwedeng makuha ang sore eyes sa tagal na pagkababad sa kompyuter dahil napapagod ang mga mata.

Payo rin nito na para makaiwas sa sore eyes ay hindi pwedeng magpalitan o maghiraman ng eye make-up dahil malilipat ang infectants.

Kinumpirma rin ng nabanggit na health expert na malilipat rin ang sore eyes sa mga gamit gaya ng unan at kumon na nadadampi sa mga mata.

Ang pinakamabisa aniyang panlaban sa sore eyes ay ang pagpapanatiling malinis ang katawan lalo na ang kamay kaya’t ugaliin ang tamang paghuhugas.

Ang mga taong may sore eyes ay kadalasang ang mata ay namumula, nangangati, naluluha at nagmumuta.

Speak Your Mind

*