Pinaka-maraming kaso ng illegal drugs sa rehiyon uno, naitala sa Pangasinan

Nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan na may pinaka-maraming naitalang kaso ng illegal drugs accomplishment sa buong rehiyon uno.

Base ito sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 mula taong 2002 hanggang sa kasalukuyan

Ayon kay Marife de Guzman, ang Information Officer ng PDEA-Region 1, sa district 1 at 2 ng Pangasinan ay mayroong 371 na naisampang kaso sa paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sa district 3 at 4 ay 940 ang naisampang kaso, habang sa district 5 at 6 naman ay 30.

Tiniyak naman ni de Guzman na lalo na nilang paiigtingin ang kampanya at paglulunsad ng operasyon kontra illegal na droga, katuwang ang Philippine National Police (PNP).

Speak Your Mind

*