PRC-Baguio, magsasagawa ng Mobile Outreach Program sa Western Pangasinan

Magsasagawa ang Professional Regulation Commission (PRC)-Baguio Regional Office ng Mobile Outreach Program sa lungsod ng Alaminos bukas, Setyembre a-bente nuebe, umpisa alas otso ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon.

Ang aktibidad ay tinawag na Aldaw Ti Propesyonal o Araw ng mga Propesyonal.

Sinabi ni Alaminos City Vice-Mayor Earl James Aquino na malaking tulong sa mga propesyonal sa Western Pangasinan ang aktibidad dahil makakatipid na ang mga ito ng oras at pasahe sa pag-biyahe para magsagawa ng transaksyon sa PRC.

Kabilang sa mga serbisyong iaalay ng PRC ay ang inisyal na rehistrasyon para sa mga licensure examination passers, pag-aaplay ng licensure examinations, renewal ng profession license, pagpapalabas ng professional id card at Certificate of Registration.

Gayundin ang pagbibigay ng certificate of passing and ratings para sa Nursing Licensure Exam, Licensure Examination for Teachers (LET) at Criminologists.

Speak Your Mind

*