Presidential at Vice Presidential debate sa 2016 election, kasado na

Kasado na ang presidential at vice presidential debate sa eleksyon sa 2016.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na nais lamang nilang bigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na ipahayag ng libre ang kanilang mga plataporma de gobyerno.

Ayon din kay Bautista, hindi obligado ang mga kandidatong dumalo sa nasabing debate dahil ito ay boluntaryo lamang.

Layunin dito ng Comelec na mailabas ng mga kandidato ang kanilang mga argumento para malaman ito ng sambayanan.

Ang debate ay gagawin sa Mindanao sa pagitan ng Pebrero 8 at 22, sa Visayas sa pagitan ng Marso 8 at 21 at sa Luzon na gagawin sa Metro Manila sa pagitan ng Abril 4 at 8, 2016.

Kasama rin ng Comelec sa paghahanda ng debate ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Speak Your Mind

*