PTCAO, nais magpatayo ng Pangasinan Study Center at Provincial Museum

Mas nabibigyang halaga ngayon ng Pangasinan Provincial Government ang mga programang pang-turismo sa pagbuo ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.

Ayon kay Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Maria Luisa “Malou” Elduayan, sa pagtatalaga sa kanya na manguna sa nabanggit opisina ay tinututukan rin nila ang pagsusulong ng mga aktibidad at programa para sa cultural preservation at promosyon ng pangasinan.

Kinumpirma sa KBP Forum ni Elduayan na nang maging ganap nang departamento ang kanyang opisina ay nagkaroon din sila ng karagdagang permanenteng empleyado.

Kasabay nito ay inihayag rin ni Elduayan na inaasahan ng kanyang opisina ang suporta ni Gov. Amado Espino jr. at ng sangguniang panlalawigan para sa pagtatayo ng Provincial Museum at Pangasinan Study Center.

Speak Your Mind

*