Road signs, reresolba raw sa mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA

Mas maraming road signs, mas malaki ang posibilidad na mabawasan ang aksidente at problema sa trapiko sa EDSA.

Ito ang mungkahi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Superintendent Joel Pagdilao para maresolba ang problema ng matinding trapiko sa EDSA.

Sinabi ni Pagdilao na dapat nang ayusin ang mga nakalilitong road signs at paramihin pa ang paglalagay ng mga ito sa kalsada para maging gabay ng mga motorista at mananakay.

Aniya, malaki ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mananakay na bumabaybay sa EDSA araw-araw.

Ipinangako naman ng NCRPO na magsasanay sila ng mga pulis para maging traffic personnel para sa ikakasang traffic enforcement ng PNP.

Speak Your Mind

*