Sapat na suplay ng dugo, tiniyak ng Red Cross Pangasinan

Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC)-Pangasinan na sapat ang suplay ng dugo para matugunan ang pangangailangan ng mga Pangasinenses.

Sinabi ni PRC-Pangasinan Chapter Administrator Floramae “Ging” Magalong na tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng PRC katuwang ang iba’t ibang sektor ng Blood Donation Activities.

Sa katunayan nitong nakaraang linggo ay ilang aktibidades ang isinagawa ng PRC sa pangungulekta ng dugo, gayundin mayroon ng nakatakdang iskedyul para sa mga blood donation activities sa susunod na buwan.

Layon ng PRC na masigurong sapat ang dugo para matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente ng dengue, panganganak, mga inooperahan at iba pa.

Speak Your Mind

*